Posts

Teoryang Eksistensyalismo

"Ang Aking Karanasan Bilang Online Student"                Kasalukuyan akong nag-aaral sa Palompon Institute of Technology. Dahil ngayon ko lang naranasan ang pagiging isang online student, ngayon ko lang din nalaman kung gaano ito kahirap kumpara sa face-to-face na klase, ngayon ko lamang nalaman kung ano-ano ang dapat na gawin at ano-ano ang mga kakailanganin para sa klase. Sa lugar namin lalo na sa loob ng bahay ay mahina ang koneksyon ng Internet. Kailangan ko pang sumama sa aking ina sa lungsod upang makasagap ng malakas na Internet at nang makasali sa klase. Subalit aanhin ko ang malakas na internet kung sobrang ingay ng paligid? Isang araw, hindi ako sumama sa aking ina sa lungsod at umakyat na lamang ako sa bundok dahil malakas naman ang Internet doon at mabuti nang doon nalang ako upang hindi ako maaabala. Ngunit sa kalagitnanaan ng klase ay umulan ng malakas at wala akong dalang payong. Tinawag ko ang aking pamangkin upang dalhan ako ng ...

Ang Aking Talambuhay

         Isa akong ordinaryong estudyante. Wala akong espesyal na talento at hindi katalinuhan. Subalit, patuloy parin ako na nag-aaral upang sa huli ay  may maipagmalaki ako. Nais ko rin makapagtapos sa aking pag-aaral upang masuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang para sa akin. Kaya kahit mahirap lang ang pamumuhay namin ay magsusumikap ako hanggang makamtan ko ang aking mga pangarap.           Ako si Jess Reyes. Ipinanganak ako noong ika-9 ng Nobyembre sa taong 2003 sa Leyte, Philippines. Ang aking ina ay namamasukan bilang isang katulong at minsan din ay nagtitinda siya ng mga gulay at prutas, at ang aking ama ay isang karpentero ngunit minsan din ay nagtatanim o nagsasaka siya sa aming sariling sakahan. Nagpunta ako sa Omaganhan Elementary School nung ako ay pitong taong gulang pa lamang at pagkatapos ko ng Elementarya sa nasabing paaralan ay nagpunta ako sa Marcelino R. Veloso National High School at pagkatapos ko ng ...