Teoryang Eksistensyalismo

"Ang Aking Karanasan Bilang Online Student"

               Kasalukuyan akong nag-aaral sa Palompon Institute of Technology. Dahil ngayon ko lang naranasan ang pagiging isang online student, ngayon ko lang din nalaman kung gaano ito kahirap kumpara sa face-to-face na klase, ngayon ko lamang nalaman kung ano-ano ang dapat na gawin at ano-ano ang mga kakailanganin para sa klase.


Sa lugar namin lalo na sa loob ng bahay ay mahina ang koneksyon ng Internet. Kailangan ko pang sumama sa aking ina sa lungsod upang makasagap ng malakas na Internet at nang makasali sa klase. Subalit aanhin ko ang malakas na internet kung sobrang ingay ng paligid?


Isang araw, hindi ako sumama sa aking ina sa lungsod at umakyat na lamang ako sa bundok dahil malakas naman ang Internet doon at mabuti nang doon nalang ako upang hindi ako maaabala. Ngunit sa kalagitnanaan ng klase ay umulan ng malakas at wala akong dalang payong. Tinawag ko ang aking pamangkin upang dalhan ako ng payong. Nakatulong naman ang payong upang hindi ako mabasa. Subalit ang takot ko na matamaan ng kidlat ay nagtanim sa aking isip na makituloy ako sa ibang bahay na may malakas na Internet Connection.


Nung mga araw na iyon, si mama ay nagpaplano na pumunta ng Maynila at naisipan din niya na isama ako, bagay na pabor sa akin. Subalit ayaw ng aking ama na sumama ako sa aking ina. At dahil napagpasyahan ko na sumama ay hindi na ako napigilan ng aking ama dahil alam ko na iyon ang makapagpabuti sa aking pag-aaral. At kung mananatili kasi ako sa amin ay naniniwala akong mahihirapan ako sa aking pag-aaral dahil bukod sa salat sa signal ang lugar namin, mahirap din humanap ng pera pampaload sa Cellphone ko. Kaya ngayon, nandito ako sa Maynila kasama ang aking ina at dito ay napabuti ang aking pag-aaral dahil lahat ng kailangan ko ay andito.



<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-7665959734064094"
     crossorigin="anonymous"></script>

Comments

Popular posts from this blog

Ang Aking Talambuhay