Ang Aking Talambuhay

         Isa akong ordinaryong estudyante. Wala akong espesyal na talento at hindi katalinuhan. Subalit, patuloy parin ako na nag-aaral upang sa huli ay may maipagmalaki ako. Nais ko rin makapagtapos sa aking pag-aaral upang masuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang para sa akin. Kaya kahit mahirap lang ang pamumuhay namin ay magsusumikap ako hanggang makamtan ko ang aking mga pangarap.


          Ako si Jess Reyes. Ipinanganak ako noong ika-9 ng Nobyembre sa taong 2003 sa Leyte, Philippines. Ang aking ina ay namamasukan bilang isang katulong at minsan din ay nagtitinda siya ng mga gulay at prutas, at ang aking ama ay isang karpentero ngunit minsan din ay nagtatanim o nagsasaka siya sa aming sariling sakahan. Nagpunta ako sa Omaganhan Elementary School nung ako ay pitong taong gulang pa lamang at pagkatapos ko ng Elementarya sa nasabing paaralan ay nagpunta ako sa Marcelino R. Veloso National High School at pagkatapos ko ng Hayskul ay nagpunta ako sa Palompon Institute of Technology, ang aking kasalukuyang paaralan na pinapasukan.

 

          Samantala, nais man ng aking mga magulang na kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Education, ang kinuha ko paring kurso ay Bachelor of Arts major in Communication dahil hindi ko nais na maging isang guro. Bagama't ayaw man  nila sa kurso na pinili ko sa huli, sinuportahan parin nila ako sa gusto ko. Pinaliwanag ko sa kanila ng maayos at ibinahagi narin sa kanila na ang paging mahusay na taga-ulat sa telebisyon ang tunay na pangarap kong trabaho balang araw.


<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-7665959734064094"
     crossorigin="anonymous"></script>

Comments

Popular posts from this blog

Teoryang Eksistensyalismo